Gusto mo bang matuto ng sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Filipino?
Noong maliit pa tayo ang pangunahing natin dapat matutuhan ay ang pagsulat at pagbasa. Mahalaga ito sa ating pagalaki dahil may kakayanan tayong unawain at makihalubilo sa lipunan na ating ginagalawan.
Pero alam ba ninyo na ang sinaunang paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno ay tinatawag ng Baybayin? Hindi pa tayo nasasakop ng mga dayuhan ay mayroon ng sinaunang panulat.
Ginagamit ito sa bahagi ng Luzon. Kadalasan tumutukoy din ito sa indigenous script writing ng Pilipinas gaya na lamang ng Buhid, Badlit, Hanunuo atbp.
Ang terminong baybayín means “to write” or “to spell (syllabize)” sa Tagalog.
May nakakuwentuhan tayong mga kabataang nagsusulong mapanatili ang Baybayin.
Ito ay sina Fritz Gerald Mina at Ivanriche Lopez, Administrators, Eskripto ng Katagalugan
Ang sabi nila libre silang nagtuturo sa mga nais matuto ng Baybayin.
Bukod sa Baybayin, nagtuturo din sila ng iba pang Sinaunang Panulat ng mga Katutubong Pilipino.
Layunin ng grupo ay upang matulungang mapalaganap at muling ibuhay ang Sinaunang Panulat ng mga Katutubong Pilipino noon at hindi tuluyang makalimutan.
Ito ang napili nilang adbokasiya dahil naging
mahilig sila sa kaysaysayan at ng mamulat sa baybayin, na dati ay alam natin alibata. Mula ng maitama ang ‘tawag’ sa katutubong panulat ay nagkaroon sila ng malalim na pagpapahalaga at interes upang ipalaganap ito.
Sa pananaw nila mahalaga mapanatili ang Baybayin dahil ito ay repleksiyon ng ating sarili, pagkakakilanlan, kung paano pinapanatili ang ating wika sa pamamagitan ng pagsasalita o isinasalita gayundin sa ating sinaunang panulat.
Isa rin itong paraan upang makapagsilbi sa kapwa o sa bayan. Ang maipalaganap ang sinaunang panulat kung saan ay maituturing na kayamanan ng ating lahi at maipagpatuloy na alagaan, pagyamanin ang sarili nating katutubong panulat o Baybayin.