Number coding scheme, nananatiling suspendido
Nananatili pa rin ang suspensyon ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme ngayong Agosto.
Ito ang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang social media pages.
Samantala, bahagi ng anunsyo ng MMDA ay ang pagpayag sa pagbiyahe ng mga essential good at pagpasok sa mga establisimyento o aktibidad na pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magbukas o mag-operate sapanahon ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region.
Nanawagan ang ahensya sa publiko na patuloy na sundin ang mga public health protocol upang mapangalagaan ang sarili, pamilya at komunidad laban sa COVID-19.