Pagbili ng oxygen tanks, posibleng i-regulate ng gobyerno
Posibleng i-regulate na ng gobyerno ang pagbili ng mga oxygen tanks.
Kasunod ito ng umanoy pagho hoard ng mga oxygen dahil sa pagtaas na naman ng kaso ng ÇOVID- 19 dahilan rin ng pagmahal ng presyo nito sa merkado.
Sa isang tindahan sa maynila, limitado na ang kanilang suplay at tanging refill na lang ang iniaalok sa mga customer.
Aabot na rin sa 2,800 hanggang 7 thousand pesos ang kada tangke ng oxygen.
Sa cebu nilimitahan ng ng local government ang pagbebenta ng oxygen tank dahil sa biglaang pagtaas ng demand at panic buying.
Pero babala ni Health Secretary Francisco Duque, hindi maaring basta basta na lang bumili at mag imbak ng oxygen sa bahay.
Tiniyak ng kalihim na may sapat namang suplay ang bansa batay sa assurance ng Department of Trade and Industry.
Apila nito sa publiko, wag mag hoard ng oxygen kung hindi kailangan at wala namang pasyenteng may COVID- 19.
Meanne Corvera