Karagdagang mahigit 3.4 billion pesos na ayuda, inaprubahan na ni Pangulong Duterte
Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang karagdagang mahigit 3.4 billion pesos na ayuda para sa mga mahihirap na apektado enhance community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay DILG usec Jonathan Malaya, 2.7 billion sa pondo ay mapupunta sa laguna habang 700 million ang sa bataan.
Ang dalawang lalawigan ay kapwa isinailalim rin sa ECQ dahil sa tumataas na kaso ng nagpopositibo sa virus.
Sinabi ni Malaya na inaprubahan rin ng Pangulo ang kahilingan ng Department of Interior and Local Government na madagdagan ng 268 million ang pondo para sa ayuda sa Metro manila na maaring ipalabas ng Department of Budget and Management hanggang bukas.
Nauna nang nakatanggap ang Metro manila ng 10.89 billion para sa social amelioration program.
Humingi naman ang ilang alkalde sa metro manila ng palugit para sa pamamahagi ng ayuda ng lagpas sa labinlimang araw na itinakda ng DILG.
Kabilang na rito ang Mandaluyong at Quezon city.
Ayon kay Mandaluyong mayor Menchie Abalos, mabagal raw ang kanilang proseso dahil ayaw nilang humaba ang mga pila para maiwasan ang mass transmission ng virus.
Sa ,Mandaluyong, aabot sa mahigit 102 thousand families ang maaring makatanggap ng ayuda na isang libo hangggang apat na libong piso.
Pagtiyak ng mga alkalde ang mga hindi makakatanggap ng ayuda makakatanggap naman ng mga food pack.
Meanne Corvera