Pagtapyas sa pondo ng Department of Agriculture, kinuwestyon
Kinukuwestyon ni Senador Francis Pangilinan ang ginawang pagtapyas ng Department of Budget and Management (DBM) sa panukalang pondo ng Department of Agriculture para sa susunod na taon.
Aabot sa 250 billion ang hinihinging alokasyon ng DA pero 72 billion lang ang inaprubahan ng DBM.
Babala ng Senador, mas maraming pamilya ang magugutom lalo na ang umaasa sa ayuda ng gobyerno sa sakahan, pagbababoy at pangingisda.
Ayon sa mambabatas, sa isa’t kalahating taon ng Covid -19, bumagsak ang sektor ng agrikultura.
Marami rin ang hindi pa nakakarekober sa epekto ng nagdaang bagyo kaya dapat bigyan ng suporta ng gobyerno ang mga magsasaka.
Ito’y para matiyak ang seguridad sa pagkain ng lahat ng Filipino.
Meanne Corvera