DICT , itinalaga ng IATF na pangunahan ang sub- technical working group para sa pagbibigay ng COVID-19 digital vaccination certificate
Itinalaga ng Inter Agency Task Force o IATF ang Department of Information and Communications Technology o DICT na pamunuan ang sub-technical working group para sa pag-iisyu ng COVID 19 Digital Vaccination Certificate.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang sub-technical working group ang babalangkas ng mga alituntunin para sa pagbibigay ng COVID 19 Digital Vaccination Certificate o VaxCertPH.
Makakatulong ng DICT sa sub-technical working group ang Department of Health, Department of Interior and Local Government, Department of Foreign Affairs, Department of Tourism, Department of Transportation, Department of Labor and Employment at National Privacy Commission.
Batay sa pahayag ng DICT hinihintay na lamang ang pagsusumite ng mga Local Government Units o LGU’S ng listahan ng mga naturukan na ng anti COVID 19 vaccine upang mabuo ang masterlist na ipapasok sa data base para pagbatayan sa pag-iisyu ng Digital COVID 19 Vaccination Certificate.
Ayon kay Roque titiyakin ng pamahalaan na compliant sa international standard ang ibibigay na Digital COVID 19 Vaccination Certificate at masiguring kilalanin ito sa mga bansang pagprepresentahan ng may dala.
Ang Digital COVID 19 Vaccination Certificate ang isa sa dokumentong hinahanap sa mga pilipinong bumibiyahe sa abroad upang patunayan na fully vaccinated na laban sa corona virus.
Vic Somintac