Voter registration sa NCR, Laguna at Bataan suspendido pa rin hanggang Aug. 31, 2021
Inanunsyo ng Commission on Elections na suspendido pa rin ang voter registration sa National Capital Region, Laguna at Bataan hanggang sa katapusan ng Agosto.
Sa isang advisory, sinabi ng Comelec na ito ay kasunod ng ipatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine sa NCR simula bukas, Agosto 21.
Ayon sa Poll body, maliban sa voter registration, suspendido rin muna ang pagbibigay ng voter certification.
Ang suspensyon ay hanggang sa Agosto 31 ng taong ito sa mga nasabing lugar.
Nilinaw naman ng Comelec na sa ibang lugar sa bansa, ang voter registration simula sa Lunes, Agosto 23, ay mula alas- 8:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi na.
Habang sa araw naman ng Sabado at araw ng holidays ay mula 8:00 am hanggang 5:00 pm.
Ang voter registration ay hanggang sa Setyembre 30 na lamang ng taong ito.
Madz Moratillo