Kabul evacuation flight, dumating na sa Belgium
MELSBROEK, Belgium (AFP) – Dumating na sa isang Belgian air base sa labas ng Brussels, ang isang charter flight lulan ang 193 katao na lumikas mula sa Kabul.
Ang Air Belgium jet na sakay ang Belgians at Afghans na nagtatrabaho para sa international missions, na galing sa Islamabad base ay nagsisilbing staging post para sa military airlift ng Belgium mula sa Afghan capital.
Sinabi ni Foreign Minister Sophie Wilmes na ang Operation Red Kite ng Belgium, ay nakapagdala na ng 400 katao mula sa Kabul airport patungo sa Pakistan.
Ang mga dumating ay inilipat mula sa Melbroek base na tahanan ng 15th Air Transport Wing ng Belgium, patungo sa isang military base sa Peutie para sa kaukulang health checks at security screening.
Agence France-Presse