Labingtatlo patay bunsod ng malakas na pag-ulan sa Venezuela
CARACAS, Venezuela (AFP) – Hindi bababa sa 13 katao ang nasawi sa Venezuela dahil sa mud at rock slides, dulot ng malakas na pag-ulan.
Ayon sa mga lokal na awtoridad, ang ilang oras na pag-ulan sa Mocoties valley, isang farming region sa western Merida state, ay naging sanhi ng pagguho ng mga tipak ng bato sa gilid ng mga bundok na humarang naman sa mga kalsada.
Sinabi ni Merida governor Ramon Guevara, na 11 katao ang namatay sa Tovar village at dalawang bata naman ang nasawi sa Pinto Salinas.
Ayon pa kay Guevara, umapaw ang Mocoties river kayat binaha ang Tovar.
Dahil sa malakas na pag-ulan ay pinutulan din ng linya ng telepono at kuryente ang Tovar, hindi rin maraanan ang mga kalsadang patungo sa bayan.
Samantala, nagbabala ang meteorological institute ng gobyerno, na anim pang ilog ang maaaring umapaw habang ang mga estado ng Bolivar, Guarico at Zulia ay inilagay na sa red alert.
Agence France-Presse