Mga bagong opisyal ng Legal Education Board, itinalaga ng Malacañang
May mga bagong opisyal na ang Legal Education Board o LEB.
Sa appointment papers na isinumite ng Malacañang sa Korte Suprema, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Anna Marie Melanie Bacani Trinidad bilang bagong LEB Chairperson.
Pinalitan ni Trinidad sa puwesto si dating LEB Chair Emerson Aquende.
Magtatapos ang termino ni Trinidad sa Jan.14, 2024.
Bukod kay Trinidad, hinirang naman ng presidente si Lorenzo Regellana Reyes bilang LEB member na kumakatawan sa Integrated Bar of the Philippines.
Ang LEB ay nilikha sa ilalim ng RA 7662 o Legal Education Reform Act.
Ang pangunahing polisiya ng batas ay i-reporma at pataasin ang pamantayan ng legal education sa bansa.
Ilan sa mga kapangyarihan ng LEB ay ang pangasiwaan at magtakda ng accreditation standards sa mga law schools sa bansa.
Moira Encina