Main office ng FDA sarado ngayong araw
Dalawampu’t siyam na mga empleyado ng Food and Drug Administration (FDA), ang nagpositibo sa COVID-19.
Bunsod nito, sarado muna ang main office ng FDA sa Muntinlupa City ngayong araw (Biyernes), Agosto 27 para makapagsagawa ng disinfection.
Nauna rito, inihayag ng OCTA research group na ang Metro Manila ang nangunguna sa talaan ng 20 mga lugar na may pinakamataas na bilang ng Covid-19 infection.
Ayon sa Department of Health, mayroon nang commumity transmission ng Delta variant sa Metro Manila at sa Region 4.
Kahapon ay iniulat ng kagawaran na higit 16,000 kaso pa ang naragdag sa bansa.
Una na ring sinabi ng DOH na ang Delta variant ay lubhang nakahahawa, kung saan walo katao agad ang maaaring mahawa ng isang taong meron nito.