Bilang ng fully vaccinated kontra Covid-19 sa QC, umakyat na sa higit 724,000

Umakyat na sa 724,164 indibidwal o nasa 45.08 percent na ng adult population sa Quezon City ang nakakumpleto na ng bakuna kontra Covid-19.

Habang umabot naman sa 93.72% ng 1.7 Million na target population ang nabakunahan na ng unang dose.

Katumbas ito ng nasa 1,593,213 indibidwal.

Samantala, sinabi pa ng City Government na umabot na sa 2,317,377 doses ng bakuna ang naiturok na sa lungsod.

Patuloy naman ang panawagan ng lokal na pamahalaan na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Ang mga nabibigyan ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod.

Maaaring bisitahin lang ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy

Please follow and like us: