Isang tower sa Milan, nasunog
MILAN, Italy (AFP) – Nilamon ng apoy ang isang 20-palapag na residential building sa Milan, northern Italy.
Ang sunog ay nagsimula sa upper floors ng tower, na nasa labas ng kapitolyo ng Lombardy region.
Ayon sa fire services . . . “The flames then spread to the lower levels, causing thick smoke. Residents of the building which houses around 70 families were being contacted but no one had so far been identified as missing.”
Sinabi naman ni Milan Mayor Giuseppe Sala . . . “The firemen are going from apartment to apartment, knocking down doors to make sure no one remains inside.”
Aniya, tiwala silang nakaligtas lahat ng mga nakatira sa naturang tower dahil nagkaroon naman sila ng pagkakataong makalabas
Ayon sa report, 20 katao ang nakaranas ng slight smoke inhalation.
Dose-dosenang ambulansya at trak ng bumbero ang rumesponde sa nangyaring sunog.
Agence France-Presse