Defending champion Naomi Osaka, tatangkaing makuha ang ikatlo niyang titulo sa US Open
NEW YORK, United States (AFP) – Tatangkain ni Naomi Osaka na makuha ang kaniyang 3rd title, sa pagbubukas ng US Open.
Si Osaka na biglang sumikat matapos niyang talunin ang superstar na si Serena Williams sa 2018 US Open, ay handa na para sa 2021 campaign makaraan niyang talunin ang American player na si Jen Brady sa Australian Open final noong Pebrero, para makuha ang kaniyang 4th crown.
Matatandaan na nitong mga nakaraan hindi na siya ganoon naging ka-aktibo sa paglalaro, kung saan umatras siya sa French open matapos pagmultahin dahil sa hindi pagdalo sa mandatory post-match press conference na aniya’y nakapipinsala sa kaniyang mental health.
Umatras din si Osaka sa Wimbledon at pagkatapos ng kaniyang partisipasyon sa cauldron lighting sa Tokyo Olympics, ay nag-withdraw din siya sa 3rd round.
Bagama’t natalo rin siya sa third round sa Cincinnati ngayong August, sinabi ni Osaka na masaya pa rin siya sa itinatakbo ng kaniyang laro.
Makakalaban ni Osaka sa opener ngayong araw (Lunes), ang Czech na si Marie Bouzkova.
Ayon kay Osaka . . . “I want to start to savor my accomplishments and let go of negative thoughts. Recently, I’ve been asking myself why do I feel the way I do and I realize one of the reasons is because internally I think I’m never good enough.”
Dagdag pa niya . . . “Seeing everything that’s going on in the world I feel like if I wake up in the morning that’s a win. Your life is your own and you shouldn’t value yourself on other people’s standards. I know I give my heart to everything I can and if that’s not good enough for some then my apologies but I can’t burden myself with those expectations anymore.”
Samantala, alam ni Osaka na kailangan ng ilang adjustments matapos i-ban ang fans nitong nakalipas na taon, at ang muling pagbabalik ng nga spectator na manonood sa 23,771-seat Arthur Ashe Stadium.
Ang US Open 2021 ay gaganapin sa Arthur Ashe Stadium na nasa Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing Meadows.
Agence France-Presse