Word war sa pagitan nina Pangulong Duterte, Senador Richard gordon at Senador Panfilo Lacson bahagi na ng Pulitika ayon sa malakanyang
Naniniwala ang Malakanyang na bahagi na ng pulitika ang palitan ng mga personal na pananalita sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Richard Gordon at Senador Panfilo Lacson.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque bahagi ng political theatrix ang palitan ng mga maaanghang na salita.
Ayon kay Roque, bistado ng Pangulo sina Gordon at Lacson kung saan sila nanggagaling sa pagbanat sa administrasyon dahil ang dalawang senador ay parehong may ambisyon na tumakbong Presidente sa 2022 elections.
Nag-ugat ang word war sa pagitan ng Pangulo senador Gordon at Lacson dahil sa ginagawang imbestigasyon ng Senado sa sinasabing anomalya sa paggastos ng pondo ng Department of Health o DOH sa pagbili ng umanoy over price na mga Personal Protective Equipments o PPE na ginagamit ng mga medical frontliners sa paglaban sa pandemya ng COVID 19 sa bansa.
Vic Somintac