27 tauhan ng DPWH nagtapos sa special training program ng USAID
Isang virtual graduation ceremony ang idinaos para sa 27 tauhan ng DPWH na nagtapos sa special training program ng United States Agency for International Development (USAID).
Ang programa na tinawag na USAID-DELIVER (Delivering Effective Government for Competitiveness and Inclusive Growth) Training ay isinagawa mula March 13 hanggang August 20 kung saan 20 training sessions ang idinaos.
Ayon sa USAID, lalo pang mapagbubuti ng training ang efficiency ng DPWH sa infrastructure planning at pagpapabilis sa infrastructure delivery.
Tiwala rin ang DPWH na sa tulong ng nasabing pagsasanay ay mas naging bihasa na ang mga tauhan nito sa handling at analyzing ng mga datos para sa project at infrastructure planning.
Tiniyak naman ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na gagamitin nila ang mga natutunang best practices at skills lalo na sa Build, Build, Build Program ng gobyerno.
Nag-turnover din ang USAID sa seremonya ng training materials para mapalawak ang capacity development programs ng DPWH at maaabot ang iba pang technical staff ng kagawaran mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Moira Encina