Klase sa Haiti, maaantala ng ilang araw
Inanunsiyo ng mga awtoridad sa Haiti, na madi-delay ang pagbubukas ng klase ngayong taon, pagkatapos ng lindol na naranasan sa bansa kamakailan.
Ang orihinal na pagbubukas ng klase sa September 6 ay ililipat sa September 21 para sa karamihan ng mga kabataan na nasa kindergarten hanggang high school.
Magsisimula naman sa Oktubre 4 ang klase sa tatlong lugar sa timog na lubhang pininsala ng nangyaring lindol noong August 14.
Sinabi ni Prime Minister Ariel Henry, na kailangan ng nga awtoridad ng panahon na maayos ang mga lugar na naapektuhan ng lindol, at makatipon ng pondong ibabayad sa mga guro.
Ayon kay Henry . . . “For the schools to open, we have a lot of work to do. We have to remove the rubble and build structures to accomodate the children. Whether they are in state schools, religious schools or private schools, all students in the South must go to school.”
Ang southwestern Haiti ang pinaka naapektuhan ng tumamang 7.2 magnitude na lindol, kung saan higit 2,200 katao ang nasawi at libu-libong mga gusali ang nawasak kasama na ang maraming mga paaralan.
Sa tulong ng humanitarian partners, patuloy na ina-assess ng Haitian authorities ang lawak ng pinsala sa Nippes, Sud at Grand-Anse, kabilang na ang pinsala sa mga ospital, administrative at school buildings.
Ayon pa kay Henry . . . “The beginning of the school year is always very difficult in the country. Difficult because we live in difficult socio-political and economic environment.”