Covid-19 Delta variant sa bansa, tataas pa, ayon sa Phil. Genome Center
Patuloy na tumataas ang mga kaso ng Delta variant ng COVID 19 sa buong bansa.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Dr. Cynthia Saloma, Executive Director ng Philippine Genome Center na nitong nakalipas na buwan ng Hulyo naitala ang 48 percent ng COVID 19 Delta variant cases mula sa kabuuang 2,582 na mga sample na isinailalim sa sequencing.
Habang nitong buwan ng Agosto ay tumaas sa 76 percent ang naitalang Delta cases sa bansa.
Inihayag ni Saloma na inaasahan pang tataas sa mga susunod na araw ang kaso ng Delta variant ng COVID 19 dahil sa community transmission.
Niliwanag ni Saloma na ang National Capital Region at Region 4A o CALABARZON ang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID 19 Delta variant.
Vic Somintac