93% ng PDLs sa Correctional Institution for Women, nakatanggap na ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19
Umaabot na sa 93% persond deprived of liberty (PDLs) sa Correctional Institution for Women (CIW) ang nabakunahan na ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa tala ng CIW, kabuuang 2,908 babaeng inmates ang nakatanggap ng unang dose.
Fully-vaccinated naman na ang 198 PDLs na parte ng unang batch ng 200 ng mga binakunahan.
Nakalaya na ang dalawa sa nasabing 200 kaya hindi na nakasama sa pagtuturok ng second dose.
Ayon pa sa CIW, ang 7% o 237 pa ng mga hindi natuturukan na PDLs sa CIW ay ang mga ayaw o kaya ay hindi maaari dahil sa medical reasons.
Ang Mandaluyong City Health Office at ang mga volunteers mula sa Bureau of Fire Protection ang nagbakuna sa mga PDLs.
Pinasalamatan ng CIW ang Mandaluyong CHO at BFP sa pagtulong sa kanilang layunin na mabakunahan kontra virus ang mga inmates na nasa kustodiya nito.
Moira Encina