Inflation o presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, tumaas nitong Agosto
Tumaas ang inflation o presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong Agosto.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 4.9 percent ang inflation.
Ito na ang pinakamataas na inflation na naitala mula Enero ngayong taon.
Sinabi ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa na dulot ito ng pagtaas ng presyo ng gulay tulad ng repolyo at talong, isda gaya ng galungong, karneng baboy at bigas.
Tumaas rin ang presyo ng mga pagkaing ibinebenta sa restaurants at ilang serbisyo.
Nakapag-ambag rin sa mataas na presyo ang LPG, kuryente, petroleum products at renta sa bahay.
Nagtala rin ng mabilis na paggalaw sa prresyo ng pamasahe lalo na sa eroplano na umabot sa 7.4 percent.
Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naitalang may pinakamababang presyo ng mga bilihin at serbisyo na umabot sa 2.5 percent habang sa Cagayan Valley pa rin ang may pinakamataas na umabot sa 7.5 percent.
Meanne Corvera