Pharmally, kumita umano ng halos 400 milyon sa mga kontrata ng gobyerno
Kumita umano ang kumpanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation ng 393 million mula sa mga kontrata nito sa Covid response ng gobyerno.
Ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon, sa kanilang nakalap na impormasyon, ang milyun-milyong pisong kinita ng kumpanya ay sakop ng 10 billion contracts ng Procurement service ng Department of Budget and Management mula lamang Abril hanggang Hunyo ng 2020.
Ang nakapagtataka, ayon kay Drilon ay bakit dumaan pa ang PS-DBM sa kumpanya gayong maaari naman silang dumeretso sa mga manufacturer.
Senador Drilon:
“Ang tubo ng pharmally dito sa government transactions ay 393 million. Ito po ay mga sales lamang mula April hanggang June 2020. Puwede namang dumeresto naman sa manufacturer bakit dito pa dumaan?”
Mahigit 50 personalidad ang inimbitahan ng Senado sa pagdinig ngayong araw kasama na sina Vaccine Czar Carlito Galvez at Health secretary Francisco Duque III.
Ipinatawag rin sa pagdinig ang mga opisyal ng Philippine International Trading Center ng Department of Trade and Industry matapos madiskubreng bumili rin sila ng overpriced na facesmask.
Meanne Corvera