Pagpapaliban ng unang eleksyon sa BARMM, pinal nang pinagtibay ng Senado
Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang ipagpaliban ang unang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Labinlimang Senador ang bumoto pabor, tatlo ang tumutol habang isa ang nag-abstain.
Sa pinagtibay na Senate Bill 2214, sa halip na sa May 2022, ay isasagawa sa May 2025 ang eleksyon sa rehiyon kasabay ng National elections.
Inaamyendahan sa panukala ang Section 13, Article 16 ng Republic Act 11054 Bangsamoro Organic Law.
Ayon kay Senador Francis Tolentino, chairman ng Senate Committee on Local Government, kapag natapos na ang termino ng mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), mag-a- appoint ang Pangulo ng 80 miyembro ng BTA na magsisilbi hanggang sa June 30, 2025.
Meanne Corvera