Isang PWD patay, 4 pa sugatan sa sunog sa Ususan, Taguig City
Isang lalaking may kapansanan (PWD) ang nasawi habang apat pa ang nasugatan, sa nangyaring sunog sa isang residential area sa JF Santillanosa st., Aranai village, Ususan, Taguig, pasado ala-5:00 kaninang umaga.
Ayon sa mga kapitbahay ng mga nasunugan, nag-umpisa ang sunog sa isang linya ng kuryente mula sa bahay ni Delia Barnido.
Mabilis anilang kumalat ang apoy sa mga katabing bahay, dahil pawang gawa sa light materials ang mga ito.
Ayon naman ng Bureau of Fire Protection o BFP Taguig, i-imbestigahan pa nila ang nangyaring sunog upang matukoy ang tunay na pinagmulan nito at upang malaman na rin ang kabuuan ng pinsalang idinulot nito.
Umakyat sa unang alarma ang sunog alas 5:53 ng umaga, naideklara itong fire under control alas 6:24 ng umaga, at tuluyang naideklarang fire out 7:10 ng umaga.
Arces Escovidal