USAID nagdonasyon ng mga laptop at tablets sa DepEd
Nagkaloob ng laptops at tablets sa Department of Education (DepEd) ang United States Agency for International Development (USAID) bilang suporta sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong pandemya.
Ayon sa US Embassy, umaabot sa 25 laptop computers at 479 tablets ang ibinigay ng USAID sa DepEd.
Ang turnover ceremony ay isinagawa sa DepEd Central Office.
Ipamimigay ang mga laptops at tablets sa mga piling paaralan sa Regions 5, 6, at sa mga eskuwelahan na associated sa mga sumulat ng MTB-MLE interactive Primers.
Ang nasabing primers ay binuo gamit ang Kotobee software na binili ng USAID para sa DepEd noong nakaraang taon.
Ang mga tablets ay maglalaman ng eResources sa isang easy-to-use navigation system na maaaring gamitin kahit offline.
Moira Encina