Comelec, hinikayat ang mga election stakeholder na sumali sa gagawing source code review ng automated election system
Ngayong araw, Setyembre 10, na ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon upang makalahok sa source code review ng automated election system na gagamitin sa 2022 National and Local Elections.
Kaugnay nito, hinikayat ng Commission on Elections ang mga election stakeholders na mag-apply na upang makalahok sa gagawing source code review.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mahalaga ang aktibidad na ito para maisulong ang transparency at tiwala ng publiko sa electoral process.
Kabilang sa mga maaaring sumali sa Source Code Review ay ang political parties o coalition of parties na registered sa Comelec, Party List groups, mga lehitimong organisasyon o grupo na accredited ng COMELEC, IT groups na kilala sa mga komunidad at inirekomenda ng COMELEC Advisory Council o Department of Information and Communications Technology, Civil Society Organizations, mga miyembro ng COMELEC Advisory Council at Joint Congressional Oversight Committee.
Madz Moratillo