DBM, kinastigo ni Senador Tolentino dahil sa maling interpretasyon ng batas
Kinastigo ni Senador Francis Tolentino ang Department of Budget and Management (DBM) dahil sa umano’y baluktot na interprestasyon ng ahensya sa ‘Mandanas Ruling’ ng Korte Suprema.
Sa budget hearing ng Senado, sinita ni Tolentino ang liderato ng DBM dahil taliwas sa utos ng Kataas-taasang Hukuman ang ginagawa ng ahensya sa pagpapatupad ng 2018 Mandanas ruling na magbibigay dapat ng dagdag kita at awtoridad sa mga local government unit sa buong bansa.
Nakapaloob sa 2018 Mandanas ruling na ang Internal Revenue Allotment ng LGUs ay dapat nakabatay sa lahat ng kasalukuyang kita sa pambasang buwis and hindi lamang base sa National Internal Revenue Taxes.
Ayon kay Tolentino, naguguluhan siya sa mga inilibas na panuntunan ng DBM sa nasabing SC ruling kagaya ng mga salitang “re-calibrate, assess, at monitor.”
Ang mga nasabing terminolohiya ayon sa Senador ay wala sa lugar at wala sa kahit anong bahagi ng Mandanas ruling.
Statement Senador Tolentino:
“It appears that you are deviating from the command of the mandate of the Supreme Court—the high tribunal—on what to do and how to do it… so parang ayaw niyo pa ibigay yung poder sa mga LGU”.
Paliwanag ni Tolentino, karamihan sa mga LGU sa bansa ay hindi kinonsulta ng tama at hindi pinakitaan ng pangkalahatang plano kung paano ipatutupad ang Mandanas ruling, lalo na sa probisyon kung saan maaaring manatili sa isang national government agency ang pondong ibibigay dapat sa mga fourth at fifth class LGU simula 2022 kung walang kakahayan ang mga ito na saluhin ang tungkulin.
Babala ni Tolentino, mauuwi lamang sa isang “granular implementation” ang pagpapatupad ng Mandanas ruling kung ipipilit ng DBM ang kanilang inilatag na sariling panuntunan.
Meanne Corvera