Typhoon Kiko, bahagyang lumakas; Maraming lugar sa Hilagang Luzon, nasa ilalim pa rin ng Storm warning signal
Bahagya pang lumakas ang Typhoon Kiko habang kumikilos pa-Kanluran, Hilagang Kanluran ng Hilagang Luzon.
Sa 2:00 pm weather bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 190 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 195 kph malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 240 kph.
Nasa ilalim ng Tropical Cyclone wind signal no. 3 ang extreme northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga), eastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Didicas Is., Camiguin Is., Pamuktan Is., Calayan Is., Panulitan Is.), southern portion mh Batanes (Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana, Sabtang).
Ang mga lugar na ito ay nakakaranas ng Destructive o mapaminsalang hangin na kayang magpatumba ng mga malalaking poste at puno at makasira ng mga bahay na gawa sa light materials.
Samantala, nasa ilalim naman ng signal no. 2 ang: nalalabing bahagi ng Batanes, nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng eastern portion of mainland Cagayan (Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Buguey, Santa Teresita, Tuguegarao City, Iguig, Amulung, Alcala, Allacapan, Lasam, Ballesteros, Abulug), northeastern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan), at northeastern portion ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol)
At signal no. 1 naman ang nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, eastern portion of Ilocos Norte Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, Piddig, Solsona, Dingras, Sarrat, San Nicolas), the rest of Apayao, the northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal), the eastern portion of Mountain Province (Paracelis), the northeastern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong), the northwestern and southeastern portions of Isabela (Santa Maria, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Cabatuan, Aurora, City of Cauayan, Angadanan, San Guillermo, Dinapigue, San Mariano, Cabagan, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini, Quirino, Burgos, Gamu, Ilagan City, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven), and the northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran).
Palalakasin ng Typhoon kiko ang Southwest Monsoon o Habagat na magpapaulan naman sa western section ng Southern Luzon at Western Visayas sa susunod na 24 oras.