Presidential Spokesperson Harry Roque, nag-sorry sa grupo ng mga Doktor
Inamin ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang lumabas na video sa social media na nanggagalaiti siya sa galit sa grupo ng mga doctor na dumalo sa meeting ng Inter-Agency Task Force.
Sa press briefing sa Malakanyang, humingi ng paumanhin si Roque sa grupo ng mga doctor na pinagalitan niya dahil sa hindi pagkakasundo sa alert level sa National Capital Region o NCR sa sandaling ipapatupad na ang pilot testing ng General Community Quarantine o GCQ with alert level granular lockdown.
Sinabi ni Roque na nadala siya ng kanyang emosyon dahil pinalulutang ng mga doktor na walang pagmamalasakit sa buhay ng mga tao ang IATF at puro ekonomiya ang iniisip kapag ipinatupad ang GCQ with alert level granular lockdown sa NCR sa kabila ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID -19 dahil ang iginigiit ng medical professionals ay isailalim sa dalawang linggong hard lockdown ang Metro Manila para makontrol ang pagkalat ng virus at makahinga ang medical frontliners ganundin ang hospital utilization.
Ayon kay Roque hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin ng mga stakeholders sa meeting ng IATF kung luluwagan na ang Metro Manila sa quarantine restriction o pananatilihin ang lockdown hanggang sa katapusan ng buwan.
Inihayag ni Roque kung maaayos ang gusot sa pagsasailalim sa NCR sa GCQ with pilot testing alert level granular lockdown ipapatupad na ito ng IATF at Local Government Units sa September 16 hanggang September 30.
Vic Somintac