Pinsala sa agrikultura at imprastraktura dulot ng Bagyong Jolina ,pumalo sa higit 300 million
Tinatayang aabot sa 270.39 million pesos ang pinsala at kalugihang idinulot ng bagyong jolina sa sektor ng Agrikultura.
Sa ulat ng Department of agriculture ang nasabing halaga ay kumakatawan sa higit labing anim na libong metriko tonelada ng production loss na sumasakop sa 8,083 hectares ng Agriculture areas sa CALABARZON, Bicol region, Western visayas at Eastern visayas.
Tinatayang nasa 11,499 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng kalamidad.
Kabilang sa mga naapektuhang pananim ang palay , mais ,high value crops, livestock at fisheries.
Nagsasagawa pa rin ng assessment at validation ang D-A sa pinsalang idinulot ng Bagyong Jolina sa Agri-fisheries sector.
Samantala, pumalo naman sa 30,675,253 million pesos ang naitalang pinsala sa imprastraktura sa MIMAROPA, Bicol at Western Visayas region.