Kooperasyon ng publiko, hiniling ng Malakanyang laban sa banta ng terorismo sa bansa
Pinayuhan ng Malakanyang ang publiko na maging alerto at tumulong sa pamahalaan sa lahat ng pagkakataon para maagapang maisagawa ng international terrorist group ang anumang banta ng terorismo sa bansa.
Ginawa ng Palasyo ang apila sa taongbayan matapos ibinahagi ng Japan ang nakalap na intelligence report sa posibleng terror attack sa alinmang mga bansa sa South East Asia kasama na ang Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na mahalaga ang partisipasyon ng publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga otoridad upang mapigil ang anumang banta ng terorismo.
Ayon kay Roque sa panahong ito hindi lamang Pandemya at kalamidad ang kinakaharap na hamon kundi maging ang banta sa seguridad mula sa mga grupong terorista.
Inihayag ni Roque ang terorismo ay walang pinipiling lugar dahil ang layunin ng mga terorista ay makapaghasik ng pinsala at kaguluhan sa kanilang target.
Vic Somintac