32 drug surrenderees sa Barugo, Leyte nagsipagtapos sa ilalim ng CBRP
Tatlompu’t dalawang (32) drug surrenderees ang nagsipagtapos nitong September 16, 2021 sa ilalim ng Community-Based Rehabilitation Program (CBRP), ng LGU Barugo, Leyte.
Ito ay matapos ang sampung (10) linggo at dalawampung (20) session, kasama na ang pagsasagawa ng unannounced drug test.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Barugo, layunin ng programa na matulungan ang mga drug surenderee na mabago ang kanilang buhay, sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng 10,000 pesos mula sa lokal na pamahalaan ng Barugo, Leyte para sa kanilang ipinanukalang pangkabuhayan tulad ng Rice Retailing, Sari-sari store, Cow Raising, Fish Vending, Barbershop, Fishing at Hog Raising.
Dumalo sa naturang aktibidad sina Pol. Lt. Col. Margarito Salaño, hepe ng PCADU o Police Community and Development Unit ng Leyte Police Provincial Office, at IA3 Cleveland Villamor, Provincial Officer ng PDEA Leyte Provincial Office.
Lubos naman ang pasasalamat ng CBRP beneficiaries kay Mayor Macel Avestruz sa pagtitiwala at pagbibigay ng suporta at pangalawang pagkakataon na mabago ang kanilang buhay at pamumuhay.
Kristina Cassandra Metran