Implementasyon ng Alert Level 4 sa NCR, maaari pang palawigin ng 2 linggo
Posibleng mapalawig pa ang pagpapatupad ng Covid-19 Alert Level 4 sa Metro Manila na magtatapos sa September 30, 2021.
Ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla ito ay upang makita ang tunay na epekto ng granular lockdown sa mga datos ng Covid-19 sa rehiyon.
Kung magiging matagumpay aniya ang pagpapatupad ng Alert Level system sa NCR at maganda ang resulta ay ipatutupad din ito sa iba pang rehiyon sa bansa.
Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon sila ng assessment sa pilot implementation ng alert level system makalipas ang isang linggong pagpapatupad nito.