Maulap na papawirin na may mga pag-ulan, asahan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw dahil sa ITCZ
Maulap na papawirin na may kasamang mga pag-ulan ang nararanasan ngayong Linggo sa ilang bahagi ng bansa sanhi ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) .
Apektado ng ITCZ ang Timugang Luzon, Visayas at Mindanao partikular ang Bicol Region, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, at Quezon.
Ayon sa PAGASA, ang binabantayang Low Pressure Area na huling namataan sa 125 kilometers East ng Catarman, Samar ay nakapaloob sa ITCZ na siyang nagpapaulan sa ilang lugar.
Sa ngayon, ayon sa weather bureau, mababa pa rin ang tsansa na mabuo ito bilang bagyo.
Ibinabala ang mga flash flood at landslides sa mga nasabing lugar sa panahon ng matinding thunderstorms.
Ang Metro Manila naman ay bahagyang magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.