Vaccine bookings tumaas matapos i-extend ng Italy ang pagpapatupad ng Covid pass
Dumami ang mga nagpapa-book para sa bakuna sa Italy, matapos i-anunsiyo ng gobyerno na lahat ng mga empleyado ay dapat magpakita ng pruweba na sila ay bakunado na laban sa Covid-19, negatibo sa Covid test o nakarecover na sa sakit.
Sinabi ni coronavirus commissioner Francesco Figliuolo na . . . “On a national level, there was a generalize increase in bookings for the 1st dose of between 20 and 40 percent compared to last week.”
Umakyat ng 35% ang reservation para sa 1st dose ng vaccine nitong Sabado kumpara noong nakaraang linggo.
Halos 41 milyong katao sa Italy ay fully vaccinated na batay sa data ng gobyerno, malapit na sa 76% ng populasyon ng lampas dose anyos ang edad.
Gayunman, nag-aalala pa rin ang mga kinauukulan dahil sa paparating na winter flu season, kaya’t ngayong linggo ay in-extend pa nila ang pagpapatupad ng “green pass” sa lahat ng private and public workplaces hanggang sa October 15.
Ang mga empleyado na hindi makasusunod ay ikukonsiderang “absent without pay.”
Yaong mga exempted sa bakuna bunsod ng health reasons, ay bibigyan naman ng libreng coronavirus tests.
Ang Italy ang unang bansa sa Europe na nakaranas ng matinding epekto ng Covid-19 noong February 2020, at sila rin ang nakapagtala ng pinakamaraming nasawi sa mga bansang miembro ng European Union, kung saan umabot ito sa higit 139,000.