Comelec dumepensa sa desisyon na gumamit ng antigen test sa mga magpa file ng COC
Dumepensa ang Commission on Elections sa desisyon na gumamit ng Covid-19 antigen testing sa panahon ng paghahain ng Certificate of Candidacy para sa May 2022 National and Local Elections.
Giit ni Comelec Spokesperson James Jimenez, kahit maging sa Kamara ay tinatanggap ang antigen test bilang requirements para makapasok rito.
Una rito, sinabi ng Department of Health na hindi nila inirerekumenda ang paggamit ng antigen test bilang screening method sa mga ganitong events gaya ng filing ng COC.
Ipinaliwanag ni Health Usec Ma Rosario Vergeire na epektibo ang rapid antigen test kapag mataas ang viral load o sa ika-5 araw ng onset ng sintomas ng virus.
Mahalaga aniya ang tamang paggamit ng testing methodology para sa accurate na resulta.
Madz Moratillo