BSP: Banking system ng bansa, nananatiling matatag sa kabila ng COVID-19 pandemic
Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na stable at supportive sa ekonomiya ang banking system ng bansa sa kabila ng COVID-19 crisis.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ang positibong performance ng banking system ng Pilipinas ay makikita sa sustained growth sa assets, deposits, at capital nito.
Gayundin, sa ample capital at liquidity buffers at loan loss reserves.
Batay aniya sa end-July 2021 preliminary data, lumago sa Php19.8 trillion o 5.4% ang total assets ng mga bangko.
Karamihan sa mga bank assets ay loans (52.6%) at portfolio investments (26.6%).
Sinabi pa ni Diokno na ang funding ay mula karamihan sa mga deposito na lumago sa 7.2% o Php15.4 trillion.
Nangangahulugan aniya ito ng patuloy na tiwala at kumpiyansa ng publiko sa banking system.
Inaasahan naman ng BSP na bubuti ang credit activity sa mga darating na buwan.
Ang nasabing pananaw aniya ay consistent sa resulta ng pinakahuling banking industry survey na nagpapakita na positibo ang credit outlook na may double-digit growth sa susunod na dalawang taon.
Dahil sa mga ito, kampante ang BSP na nasa matatag na posisyon ang Philippine banking system para masuportahan ang financing requirements ng recovering economy ng bansa.
Moira Encina