Bagong James Bond movie, magpi-premiere na sa susunod na linggo
Magkakaroon na ng world premiere sa susunod na linggo ang pinakabagong James.Bond movie, halos anim na taon matapos ipalabas ang huling 007 agent movie, at makalipas ang 18 buwang pagka-antala dahil sa coronavirus pandemic.
Kabilang sa mga inimbitahan sa Royal Albert Hall sa London, ang British royalty at pandemic heroes para panoorin ang “No Time To Die,” na ika-25 installment ng popular na spy saga.
Ang nabanggit na pelikula ang inaasahang huling pagbibidahan ni Daniel Craig bilang Agent 007.
Matatandaan na nakansela ang tatlong naunang schedule ng premiere ng pelikula noong March at November, 2020 at nitong April, 2021.
Makakasama ni Craig at ng kaniyang co-stars na sina Rami Malek at Lea Seydoux, sina Prince Charles at Prince William sa red carpet at screening ng pelikula, bago ito ipalabas sa mga sinehan sa UK, 2 araw pagkatapos ng premiere at sa global release nito sa October 8.
Ayon sa franchise producer na si Barbara Broccoli . . . “We’re incredibly excited to be launching the film in a theatrical release. The film is a celebration of Bond, the 25th film and almost 60 years and most importantly, Daniel Craig’s final outing. So we feel it’s a big event.”
Ang cinema operators gaya ng MGM na may-ari sa 007 movies at distributor nito na Universal pictures, ay kabilang sa mga umaasa na ang blockbuster release ay makatutulong para muling mahikayat ang movie-goers sa buong mundo na magbalik sa mga sinehan.