Pagkamatay ng ‘The Wire’ star na si Michael K. Williams, sanhi ng accidental overdose

Inihayag ng mga awtoridad na accidental drug overdose, ang ikinamatay ng US actor na si Michael K. Williams, na naging popular dahil sa television series na “The Wire.”

Ang 54-anyos, na gumanap sa papel ng iconic Baltimore stick-up man sa groundbreaking show, ay natagpuang patay sa kaniyang apartment sa New York, sa unang bahagi ng buwang ito.

Ayon sa pahayag ng New York City Office ng Chief Medical Examiner, ang sanhi ng pagkamatay ni Williams ay “acute intoxication by the combined effects of fentanyl, p-fluorofentanyl, heroin and cocaine.” Ang kamatayan ng aktor ay aksidente ayon sa mga opisyal.

Ang Emmy-nominated actor ay sumikat sa kaniyang papel sa “The Wire” at nakatanggap na rin ng maraming Emmy nominations para sa kaniyang mga role sa iba’t-ibang palabas sa telebisyon at sa pelikula.

Ang “The Wire” ay naging isa sa pinaka popular na palabas sa telebisyon, na nagkaroon ng limang seasons mula 2002 hanggang 2008.

Nakilala rin si Williams bilang si Albert ‘Chalky’ White sa HBO series na “Boardwalk Empire.”

Please follow and like us: