Ilang baybayin sa Visayas at Mindanao, nananatiling positibo sa red tide
Positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang apat na baybayin sa Visayas at Mindanao.
Batay sa Shellfish Bulletin No. 27 series of 2021 na ipinalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kabilang dito ang mga baybayin ng:
- Dauis at Tagbilaran city sa Bohol
- Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur;
- at Lianga Bay sa Surigao del Sur
Mahigpit na ipinagbabawal ang paghango, pagbebenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang sa mga nasabing karagatan dahil hindi ito ligtas kainin ng tao.
Gayunman, maaari naming kainin ang mga isda, hipon o alimango basta’t ito ay sariwa, nahugasang mabuti at naalis ang mga lamang loob o hasang bago lutuin.
Samantala, ligtas na naman sa red tide ang mga baybayin sa Milagros sa Masbate, Carigara Bay sa Leyte; at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte.