Dalawang araw na skill training on abaca twinning at rope making, isinagawa sa Zamboanga del Norte
Dinaluhan ng 50 katao na nagmula sa Subanen tribe, ang dalawang araw na Skills Training on Abaca Twining at Rope Making na isinagawa sa bayan ng Manuel Roxas, Zamboanga del Norte.
Ang mga lumahok ay nagmula sa 6 na barangay na sakop ng naturang bayan na kinabibilangan ng Barangay Piao, Nabilid, Langatian, Polongan, Labakid, at Dohinob.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng alkalde ng bayan na si Atty. Jan Hendrick Vallecer, kasama ang mga opisyales ng barangay, at ang 3 trainor na sina Nelia Malahay, handicraft trainor mula sa Sindangan, Zamboanga del Norte; Mary Jane Babat at Wenelyn Abello na parehong trainor ng Twining and Rope Making mula sa bayan ng Molave, sa Zamboanga del Sur.
Laking pasasalamat naman ng mga dumalo sa bagong kaalamang pangkabuhayan na kanilang natutunan, at sa natanggap nilang sertipiko.
Anila, ito’y bunga ng pagmamalasakit ng DTI at ng PhilFiDA, upang ang kanilang tribu ay mabigyan ng kabuhayan sa pamamagitan ng abaca, lalo na ngayong humaharap sila sa lalong tumitinding paglaganap ng kahirapang hatid ng pandemya.
Samantala, habang isinasagawa ang nasabing aktibidad, ay tiniyak ng mga kinauukulan nasusunod pa rin ang health and safety protocols na ipinatutupad ng gobyerno.
Eunilyn Dalman