Pangulong Duterte , pinayagan na ang pagbabakuna sa general population kasama ang mga menor de edad sa bansa

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni National Task Force o NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na bakunahan na ang general population kasama ang mga menor de edad sa buwan ng Oktubre.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry na pinayagan na ng Pangulo ang pagbibigay ng anti COVID 19 vaccine sa general population at minor de edad dahil sapat na ang supply ng bakuna sa bansa.

Ayon kay Roque inaasahan ni Secretary Galvez na 100 milyong doses ng anti COVID 19 vaccine ang darating sa bansa sa Oktubre.

Dahil dito hinihikayat ni Roque ang mga magulang na may mga anak na menor de edad na magpalista na sa Barangay upang magkaroon ng masterlist na gagamitim sa mass vaccination program.

Inihayag ni Roque bagamat uumpisahan na ang pagbabakuna sa general population at mga menor de edad patuloy parin na i-aacomodate ang mga kasama sa A1, A2, A3 A4 priority list na hindi pa nakakatanggap ng anti COVID 19 vaccine.

Niliwanag ni Roque kung magtutuloy-tuloy ang pagbabakuna sa ibat-ibang panig ng bansa hindi magtatagal ay makukuha na ang population protection na magbibigay daan para tuluyan ng makabalik sa normal ang buhay at pamumuhay sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: