Development ng anti-Covid vaccine, ititigil na ng Sanofi
Nagpasya ang pharmaceutical giant ng France na Sanofi, na itigil na ang development ng isang mRNA candidate at mag-pokus sa isa pang vaccine laban sa coronavirus.
Sa kabila ng positibong resulta sa phase 1 & 2 trials, ang candidate ay hindi na gagamitin sa 3rd at final phase.
Ayon sa Sanofi . . . “The company believed that it would arrive too late to market with 12 billion anti-Covid doses already due to be produced by the end of the year.”
Ang resulta mula sa phase 3 trials ng iba pang bakuna na dinivelop kasama ng GlaxoSmithKline (GSK) ng Britanya, ay inaasahan bago matapos ang 2021.
Pagsasamahin ng dalawang kompanya ang isang Sanofi-developed antigen, na nag-i-stimulate sa produksiyon ng germ-killing antibodies, at ang adjuvant technology ng GSK, isang substance na magpapalakas sa immune response na papaganahin ng isang bakuna.
Ayon sa Sanofi . . . “Initial results for the mRNA product showed antibodies were created by 91-100 percent of test parricipants two weeks after a second injection. No side-effects were observed and tolerance of the jab was comparable to other ARN vaccines developed by Pfizer-BioNTech and Moderna.”
Sinabi naman ng vice president for vaccines ng Sanofi na si Thomas Triomphe, na ang immune response mula sa Sanofi mRNA vaccine ay malakas.
Ang Sanofi ay nakikipag-ugnayan na mula pa noong March 2020 sa Translate Bio, isang US biotech company na ang pagkadalubhasa ay sa mRNA technology, at binili pa nga ang kompanya sa halagang 2.7 billion euros sa pagsisimula ng Agosto.
Gayunman ayon kay Triomphe . . . “The need is not to create new Covid-19 ARN vaccines but to equip France and Europe with an arsenal of messenger ARN vaccines to the next pandemic, for new pathologies.”
Dagdag pa niya . . . “There is no public health need for an another messenger ARN vaccine against Covid-19.”
Inilunsad na ng Sanofi ang bagong tests para sa isang seasonal flu vaccine at intensiyon nitong magsimula ng clinical tests sa susunod na taon.
Noong July ay nag-anunsiyo rin ang BioNTech ng Germany, na siyang nag-divelop sa isang Covid-19 vaccine kasama ng US giant Pfizer, na target nitong simulan ang trial sa isang malaria vaccine gamit ang mRNA technology.