Ilang independent candidates naghain rin ng kandidatura sa pagka-Presidente
Nagpapatuloy pa rin ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa mga kakandidato sa national positions sa May 2022 elections na ginagawa sa Pasay City.
Sa ngayon may 5 nang naghain ng COC para sa pagka-Presidente.
Ito ay sina Senador Manny Pacquiao na kumakandidato sa ilalim ng PROMDI party, at mga independent candidate na sina Dave Agila, Dr. Jose Montemayor, Ley Ordenes, at Edmundo Rubi.
Habang sa pagka-Bise-Presidente naman may 2 na, ito ay sina Buhay PL Rep. Lito Atienza na running mate ni Pacquiao at isang Rochelle David.
Sa pagka-Senador naman, may 8 ng naghain ng COC.
Ito ay sina dating Senate Secretary Lutgardo Barbo, Antique Congresswoman Loren Legarda, Sorsogon Governor Chiz Escudero na inihain ng kanyang abogado, dating Pagsanjan Laguna Mayor Abner Afuang, Bay Maylanie Esmael, Norman Marquez, Bertito del Mundo, at re- electionist na si Senador Risa Hontiveros.
Sa Partylist naman, may 11 ng naghain ng COC, ito ang Agap Partylist, Kabayan Partylist, An Waray PL, Diwa PL, Pilipinas Para sa Pinoy, Alona, Democratic Workers Association, TODA, Cancer PL, People’s Volunteer Against Illegal Drugs at 1Pacman.
Ang filing ng COC ay hanggang sa Oktubre 8.
Madz Moratillo