Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Occidental Mindoro ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig, alas-5:59 ng umaga at ang epicenter ay naitala sa 10 kilometers Northeast ng munisipalidad ng Sablayan.
May lalim ang lindol na 3 kilometers.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilang mga lugar:
- Intensity V: Sablayan, Occidental Mindoro
- Intensity III: Santa Cruz, Occidental Mindoro
- Intensity II: Magsaysay, Occidental Mindoro; Pinamalayan, Oriental Mindoro
Please follow and like us: