Upang mai-iwas sa partisan politics, PNP aalamin kung sino ang mga pulis na may mga kaanak na tatakbo sa halalan
Ipinag-utos ni Phil. National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar ang accounting ng PNP personnel na may mga kaanak na tatakbo sa halalan sa susunod na taon.
Sinabi ni Eleazar, na inilabas niya ang kautusan sa lahat ng hepe ng pulisya para matiyak na walang pulis na masasangkot sa partisan politics.
Aniya, ang mga pulis na naka-assign sa mga lugar kung saan may mga kamag-anak silang kakandidato sa 2022 election, ay ire-reassigned sa ibang lugar.
Ayon sa opisyal, ito ay upang matiyak na hindi mabibigyan ng pagkakataon ang sinumang tauhan ng pulisya na makialam, at mapigilan na rin ang mga espekulasyon at alegasyon sa hinaharap, na ang PNP ay sumasangkot sa partisan politics, laluna sa local level.
Sinabi nito na ang pulisya ay namamalaging apolitical.
Dagdag pa ni Eleazar, sinumang kagawad ng pulisya na lalabag dito ay parurusahan.