Conjoined twins mula sa Yemen, matagumpay na napaghiwalay na sa Jordan
Naging matagumpay ang unang operasyon sa isang ospital sa Jordan, kung saan pinaghiwalay ang kambal na magkadikit. Ang 7-buwang sanggol mula sa Yemen.
Ayon sa chief surgeon na si Dr. Fawzi al-Hammouri . . . “It was a rare and delicate procedure which is a medical success for the whole kingdom.”
Ang halos 8 oras na operasyon, na kinailangan ng 25 siruhano at technical advisers ay ginawa noong July.
Subali’t ipinagpaliban ng Amman Specialised Hospital ang anunsiyo dahil makaraan ang operasyon, ang mga sanggol ay kinailangan pa ng intensive care, artificial respiration at intravenous feeding sa mahabang panahon.
Ayon kay Dr. al-Hammouri . . . “We wanted to wait until we were sure 100 percent that things went smoothly.”
Aniya, sa ngayon ang kambal na sina Ahmed at Mohammed ay nasa kanilang “excellent health.”
Dagdag pa niya . . . “The chances of their survival are very great. They have become like any normal child. The danger has disappeared.”
Nasa kritikal na kondisyon ang kambal nang isilang noong kalagitnaan ng Disyembre sa Sanaa, sa Yemen na kontrolado ng mga rebelde.
Noong Pebrero, ang kambal at kanilang mga magulang ay dinala ng isang United Nations medical flight sa Jordan.
Sinabi ni Hammouri . . . “When they arrived, they both weighted three kilogram and 700 grams (eight pounds). We waited until they weighed nine kilograms together before separating them.”
Aniya, ang mga sanggol ay nasa Jordan pa kasama ng kanilang mga magulang ngunit inaasahang babalik na sa Yemen, sa loob ng 2-3 linggo.
Maraming conjoined twins ang namamatay na bago pa maisilang, o agad na binabawian ng buhay pagkatapos maipanganak, ngunit dahil sa advance surgery at technology, ay nag-improve ang kanilang survival rates.