Emergency Youth Responders ng Alangalang, Leyte sumailalim sa 2 araw na Basic Life Support Training
Sumailalim sa 2 araw na Basic Life Support Training, ang mga miyembro ng emergency youth responders sa bayan ng Alangalang, Leyte.
Sa pangunguna ito ng Office of Municipal Disaster Risk Reduction and Management, sa pamamagitan ng Health Emergency Management Bureau ng Department of Health Eastern Visayas.
Layunin ng naturang pagsasanay, na mabigyan ng sapat na kaalaman ang responders upang masuportahan ang pagbuo ng matatag at malusog na pamayanan.
Ang partisipasyon ng youth responders sa mga ganitong pagsasanay, sa pagtugon sa pagsagip ng buhay ay napakahalaga laluna sa panahon ng pandemya.
Sa pamamagitan nila, naipaaabot ng lokal na pamahalaan ang pagtugon sa health emergencies laluna sa malalayong mga lugar.
Kristina Cassandra Metran