Karagdagang 5.57M doses ng Pfizer vaccines mula sa COVAX facility, naideliver ng US sa Pilipinas

Karagdagang 5,575,050 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility ang naideliver ng US sa Pilipinas mula Oktubre 1 hanggang 6.

Ayon sa US Embassy, ang mga bakuna ay inihatid sa limang magkakahiwalay na shipments sa mga nabanggit na petsa sa Manila, Cebu, at Davao.

Courtesy: US Embassy

Sinabi ng embahada na ang mga nasabing bakuna ay bahagi ng 500 million doses ng Pfizer vaccines na ibinahagi ng US sa COVAX para makatulong sa paglaban sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa datos ng US Embassy, umaabot sa 21.6 million doses ng COVID vaccine mula sa COVAX ang naihatid ng US sa Pilipinas.

Courtesy: US Embassy

Kabilang na rito ang mahigit 8.8 million doses ng bakuna na donasyon ng Estados Unidos.

Moira Encina

Please follow and like us: