Analysis sa Sputnik Covid vaccine, muling sisimulan ng WHO
Inihayag ng World Health Organization (WHO), na sisimulan na nilang muli ang proseso ng pag-approve sa Sputnik V Covid-19 vaccine ng Russia, kasunod ng serye ng mga problema sa nabanggit bakuna.
Ang Sputnik V vaccine na gawa ng Gamaleya resesrch institute ng Russia, at ginagamit na sa 45 mga bansa ay humihingi ng awtorisasyon sa WHO.
Ang ilang Covid-19 vaccines ay pinayagan na ng WHO para sa emergency use, gaya ng Pfizer-BioNTech, Janssen, Moderna, Sinopharm, Sinovac at AstraZeneca.
Sinabi ni Mariangela Simao, WHO assistant director-general for access to medicines, vaccines and pharmaceuticals, na ang proseso para sa Sputnik V ay itinigil dahil sa kakulangan ng ilang legal procedures.
Ayon kay Simao . . . “In negotiations with the Russian government, this problem is about to be sorted out. As soon as the legal procedures are finished, we are able to restart the process.”
Ang WHO emergency listing ang katunayan na magbibigay sa mga bansa, funders, procuring agencies at communities ng katiyakan na ang bakuna ay nakapasa sa international standards.
Ito ang magbibigay daan para aprubahan ng mga bansa ang importasyon ng isang bakuna para sa agarang pamamahagi nito, laluna sa mga estado na walang sariling international-class regulator.
Ang Sputnik V ay ginagamit na sa mga bansang gaya ng Algeria, Argentina, India, Iran, Mexico, Pakistan, Pilipinas, Sri Lanka, United Arab Emirates, Venezuela at Russia.
Sinabi pa ni Simao . . . “There are still the issues around complete information on the dossier that has to be provided by the applicant. Then there is also the issues regarding the final finalisation of the inspections in the different manufacturers in Russia, but I’m happy to say that the process is about to be restarted.”
Hunyo ngayong taon ay nagsagawa ang WHO ng siyam na inspeksiyon sa Sputnik V manufacturing sites at nakasumpong ng iba’t-ibang problema sa Pharmastandard Ufa Vitamin Plant sa Ufa, southern Russia.
Iginiit naman ng Russia na ang natukoy na mga problema ay naresolba na mula noon.