Ilang bahagi ng Lubao at isang barangay sa Floridablanca sa Pampanga, mawawalan ng suplay ng kuryente sa Oktubre 11 at 12, 2021
Muling humingi ng pang-unawa sa publiko ang Pampanga Electric Cooperative (PELCO 2), dahil mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Lubao at isang barangay sa Floridablanca.
Ang power interruption ay mula alas-8:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon sa darating na Lunes, Oktubre 1, 2021.
Kabilang sa apektadong lugar sa Lubao ay ang Brgy. Balantacan, Baruya, Lourdes Lauc Pau, Prado Saba Siongco, San Isidro, San Roque, Arbol, Calagain, Santiago, Sta. Teresa, 2nd Lambiki, at ilang bahagi ng Sta. Cruz sa Sitio Palcarantan.
Sa Floridablanca naman ay apektado ang Brgy. Sitio Kulubasa.
Bunsod ito ng itatayong 40-ft. concrete pole sa Brgy. Sta. Cruz Palcarantan sa harap ng Coca-cola warehouse, at line clearing.
Sa Martes naman Oktubre 12, ang schedule ng power interruption ay alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.
Sa Lubao, apektado rito ang Brgy. Sta. Teresa 1st, Sto. Cristo, Sta. Maria sa Purok 4,5 at 6, San Pablo 2nd sa Sitio Akli, at Sta. Rita Lurang.
Bunsod naman ito ng pagsasa-ayos sa linya ng kuryente mula Brgy. Sta. Maria hanggang Sta. Rita Lurang.
Arnold Batario